AE

For a bunch of students who have fortunately been bound together by fate. A group of individuals who have found each other in the midst of confusion as a college freshman... NOT! This group of friends, having been through the odds, have still been together since the moment they all met about 7 years before... some have gone off to some parts of the world, while some have stayed.... but never will they ever forget the AnEvitable Block Section AE of AMA Computer College Makati Campus Batch 1999!

Friday, May 26, 2006

The First Class

I wonder what our first class was... I think it was Communication Skills 1. Our instructor was Ms. Estigoy if i'm correct. Everyone was so noisy that she thought we already knew each other but the truth was we didn't. Most of us anyway. Roll call, every one was called out by name. And then we noticed something, we had cousins in the class. Apparently, Jet and Mark had the same surname. now that they knew that, they started talkin about common relatives and people they know.

Anyways, after the roll call our instructor started discussin about somethin that I've already forgotten. Probably it was about the subject syllabus or somethin. About a few minutes later, we had our first tardy students, Gerard and Warren. The latter was drunk after a busy night, hehehe....

After a few classes, here and there, classes had to end. We all got so close already that everyone, or almost every one, agreed on goin to Glorietta after school. and so we did. Long story short, that was the beginning of the best times of my life. Something I'll always treasure throughout my life....

Peace out brothers!

Thursday, May 25, 2006

From the beginning.... Part 2

Wow! First time ko sa loob ng campus, “exciting to pre!” sabi ko sa sarili ko. Astig talaga, manghangmangha ako saitsura ng eskwelahan. Eh pano ba naman, ngayon lang ako nag-college diba? Parang engot no? Anyway, umakyat na ko sa second floor kasi obvious naman na ang room 201 eh nandun. Anak ng…. lumagpas pa ko ng hallway hehehe…. Balik ako sa kabila, hinanap ko ang room ko. Nung nakita ko na, silip kagad sa room. Ngek! Konti lang ang babae, mga 3 pa lang ata nun tapos may mga lalake na. Biglang may kumalabit sa kin. Shit! Si Jet, classmate ko nung high school. Syempre kamustahan kame, sabay tanong kung anong room ako. Nung nasabi ko na, dun din daw sya. Anak ng ano talaga oh! Sira ang mga plano ko! Di bale, at least may kakilala na ko sa klase. Pagpasok namin, ang ingay sa loob. Kanya-kanyang daldalan. Sa may banding likod kame naupo ni Jet. Aba syempre kilalanin ang mga bagong klasmeyt. Una naming mga nakilala eh sila David, Melvin, James, Randy, pati yata si Einnar eh… Limot ko na, tagal na nun! Anyway, kwentuhan muna bago dumating ang titser, este instructor pala. Nalaman namin kung san-sang sulok ng mundo kame galing at kung sang high school kame graduate. Kung anu-ano pang napagkwentuhan namin, di ko na matandaan. Basta, simula na ito ng aming mga bagong buhay. Buhay kolehiyo, puno ng sarap at paghihirap na pinagsama-sama na hindi mo na minsan maintindihan kung bakit. Pero aminin na natin mga tsong, mga pre, mga dude, ga egoy(hehehe), miss na natin ang buhay na ito di ba?

Tuesday, May 23, 2006

From the beginning....

Naalala ko pa nung first day of classes sa AMACC Makati... First day ko as a college freshman, unang nasa isip ko eh ung unang kikilalanin ko eh ung pinakamagandang babae sa klase. Tamang tama wala pa kaming kakilala lahat hehehe.... Ang aga kong nagising, handa na lahat ng isusuot ko.... ang pinakamagarang damit at ang pinakamaayos kong sapatos... hahaha!!! Sumabay ako kay daddy papasok kasi wala pa kong auto nun. Pagadating ko sa AMA tambay muna ko sa katabing building, alas-syete ng umaga. Wow ang aga!!! 8 pa pasok ko pero nandun na ko kagad. Tiningnan ko ang mga taong naghihintay kasama ko. Iniisip ko kung sino kaya mga classmate ko. Tiningnan ko ulit ung C.O.R. ko. Room 201, Section AE. Tingin ako ulit sa paligid, sa kabilang side ng kalsada nakita ko ang isang estudyante ibinaba ng isang blue na Honda City, astig yung driver, parang goons sa mga sine. Yung iba nagyoyosi sa tabi at yung iba eh tambay lang muna. Pagbukas ng gate 7:30 na.

To be continued.....