AE

For a bunch of students who have fortunately been bound together by fate. A group of individuals who have found each other in the midst of confusion as a college freshman... NOT! This group of friends, having been through the odds, have still been together since the moment they all met about 7 years before... some have gone off to some parts of the world, while some have stayed.... but never will they ever forget the AnEvitable Block Section AE of AMA Computer College Makati Campus Batch 1999!

Thursday, May 25, 2006

From the beginning.... Part 2

Wow! First time ko sa loob ng campus, “exciting to pre!” sabi ko sa sarili ko. Astig talaga, manghangmangha ako saitsura ng eskwelahan. Eh pano ba naman, ngayon lang ako nag-college diba? Parang engot no? Anyway, umakyat na ko sa second floor kasi obvious naman na ang room 201 eh nandun. Anak ng…. lumagpas pa ko ng hallway hehehe…. Balik ako sa kabila, hinanap ko ang room ko. Nung nakita ko na, silip kagad sa room. Ngek! Konti lang ang babae, mga 3 pa lang ata nun tapos may mga lalake na. Biglang may kumalabit sa kin. Shit! Si Jet, classmate ko nung high school. Syempre kamustahan kame, sabay tanong kung anong room ako. Nung nasabi ko na, dun din daw sya. Anak ng ano talaga oh! Sira ang mga plano ko! Di bale, at least may kakilala na ko sa klase. Pagpasok namin, ang ingay sa loob. Kanya-kanyang daldalan. Sa may banding likod kame naupo ni Jet. Aba syempre kilalanin ang mga bagong klasmeyt. Una naming mga nakilala eh sila David, Melvin, James, Randy, pati yata si Einnar eh… Limot ko na, tagal na nun! Anyway, kwentuhan muna bago dumating ang titser, este instructor pala. Nalaman namin kung san-sang sulok ng mundo kame galing at kung sang high school kame graduate. Kung anu-ano pang napagkwentuhan namin, di ko na matandaan. Basta, simula na ito ng aming mga bagong buhay. Buhay kolehiyo, puno ng sarap at paghihirap na pinagsama-sama na hindi mo na minsan maintindihan kung bakit. Pero aminin na natin mga tsong, mga pre, mga dude, ga egoy(hehehe), miss na natin ang buhay na ito di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home